it was all wet all week here in Manila. typhoon Marce hit the region, or actually almost the entire of the country, that left most of us soaked in the rain going to and fro the office, stranded in traffic, pass by flooded streets, restricted to inside our houses or maybe rediscovered that you really are sleepyhead :P para sakin, it's all of the above hehe. but there's one particular thing i discovered that had me blogging tonight (it's 1AM local time).
if you knew me better, ako yung isa sa mga tao na hindi talaga nagdadala ng payong :). it's on my hell-i'm-a-guy-i-don't-do-these-things list :P yung prinsipyo ba na di bale nang mabasa ako sa ulan wag lang ako makita ng iba na nagdadala ng payong haha. parang hindi kasi manly hehe. often i ask my sister to accompany me sa sakayan ng taxi o jeep. bago ako sumakay binabalik ko sa kanya yung payong and she brings that back home so pagpasok ko ng office wala talaga akong dala. hindi naman ako nababasa madalas or ng sobra so it wasn't really a big of a deal. but not until this week. i was converted from being one of those anti into a, believe or not, firm believer. 'twas a complete turnaround. you probably are thinking what triggered my melioration.
Monday. regular day for me. woke up at around 7PM to get ready for work. i called this ihaw-ihaw nearby and ordered something for our dinner. 20 minutes passed and my friend and i decided to get our food dun sa kainan. pero it was already raining hard that time. so we brought umbrellas and nagulat kami kasi baha na pala sa street namin at medyo tumataas na ang tubig. we really had no choice pero sumuong sa baha just to get our food. sa sobrang lakas ng ulan at kakahintay eventually nakatulog ako at hatinggabi na nakapasok hehe.
Tuesday. galing ako sa bahay i was going somewhere in Makati. i was hesitant pero i still brought an umbrella kasi sobrang dilim ng langit. and then umulan ng walang humpay na pagkalakas lakas sa loob ata ng tatlumpu't limang minuto na sinabayan ng walang puknat na malakas na ihip ng hangin. sakto pa na wala talagang masakyan nung mga oras na yun kasi baha daw ang mga dadaanan so walang nangahas bumiyahe. putik nung finally nakasakay na ako ng bus, dun ko na-realize na kalahati pala ng katawan ko, mula baywang pababa eh basang basa sa ulan. parang kanta lang ng aegis noh?! at doon ko na rin na-realize na pwede naman pala kaming maging magkaibigan ng payong. if i clung in to my pride that time, siguro na-ospistal na ko dahil sa hypothermia sa sobrang exposed sa ulan for a prolonged period tapos sobrang lamig pa ng tubig. at heto pa ang mas matindi. pagdaan ko ng Mantrade sa EDSA, kung alam niyo yung lagusan ng sasakyan sa ilalim nun (Pasong Tamo) hindi talaga madaraan ng sasakyan kasi puno ng tubig! tama po. the last time na nakita kong napuno ng tubig yun eh 1st year college pa lang ata ako nun. so mga 1996. after 12 years saka naulit. bakit ko naaalala ika niyo? eh yun yung gabi na naglakad ako mula sa pinapasukan kong kolehiyo pauwi ng bahay at madaling araw na ko dumating sa amin :P
fast forward to Friday. i had an appointment in the heart of the business district in Makati. i was not in my usual self, ibig sabihin naka-slacks ako, long sleeves and black leather shoes. so di naman poging pogi, medyo pogi lang naman hehe. i decided i'll bring an umbrella with me and lucky enough umulan ulit pero hindi na ako gaanong nahirapan maglakad o sumakay. but i still titter on the thought :P
this stormy week made me realize it wasn't really bad at all. to bring and be seen by others. ang mas nakakahiya eh yung meh payong ka tapos summer haha. so the next time we chance upon each other you might see me holding that long stick and just be shocked as i am. it's not a lance and you won't find any thoroughbred nearby. it's called an umbrella but hey i still think it's manly. and who knows? baka pasukubin pa kita :P