Saturday, September 15, 2007

si shaider, fuuma le-ar, ang time space warp, vavilos at ang panty ni annie

i'm bored so pardon this non-sense article (or is it?) pati na rin yung title. no gimmick on saturday night so i decided to go home and just watch TV or one from my archived downloaded movies. while chunking on some Yellow Cab pizza, i turned on the boob tube to browse local channels when i chanced upon channel 7's trailer for their newly-created (but adapted) series entitled "Zaido Pulis Pangkalawakan" featuring Dennis Trillo and two other guys. it's the modernized adaptation of my once favorite Shaider series by Japanese Toei productions. i fondly remember as a kid that whatever i was doing it suddenly comes to a stop pag oras na ng palabas. channel 2 pa ata nun kung di ako nagkakamali. kumbaga, Shaider muna then everything else comes after. naalala ko may TV set na kami nun bili ng ate ko sa Quiapo hehe, black and white with that matching transparent "blue screen" na pantakip sa TV screen, pangharang daw ng radiation.

hindi maipagkakaila na karamihan ng mga kabataang tulad ko na namulat sa panahon ng 80's ay minsang na-adik sa palabas na ito. kung babae ka, malamang crush mo si Alexis (ang bidang lalaki) na isang archaeologist na naging pulis pangkalawakan. kung lalaki ka naman, aba eh ano pa nga bang inaabangan mo kundi ang pagtalon ni Annie para masilayan mo yung panty niya hahaha :D talagang tutok sa TV eh tsk tsk hehe..

(photo grabbed from Wikipedia)

buti na lang may
youtube. eto i-click mo at balikan ang nakaraan... http://www.youtube.com/watch?v=8LSq15lACVs

siyempre may iba pa namang mga karakter na nagpakulay sa pakikipaglaban ng ating mga bida. sa kabilang banda sinong makakalimot kay Fuuma Le-ar, yung panginoon ng mga kalaban. siya yung malaking ulo sa pader na may parang pula sa noo (ewan ko kung third eye niya yun o bukol lang). si Babaylan Ida, naalala niyo? siya yung babaeng nakaputi na may linyang, "Time Space Warp... ngayon din!" yan na marahil ang pinakasikat na linya sa buong serye na hanggang nayon eh alam na alam mo kung paano eksaktong sabihin :) eh si Drigo? yung lalaking kalaban na nakaitim at may itim din na lipstick hehe. kumbaga, field operative siya ni Fuuma.. yung mga gamit nila sa pakikipaglaban. ang Vavilos na robot ni Shaider. BlueHawk, yung kanyang motorsiklo.

then it came to me, where are they now? not the characters they're portraying but the real people themselves. much to my surprise are these appalling facts i discovered with mr. google's assistance..

Hiroshi Tsuburaya (Alexis) died of liver cancer at the age of 40 on July 24, 2004. how an abrupt sad ending.. Naomi Morinaga (Annie) became a J-porn actress. now she's showing more than her underwear tsk tsk.. did you know that Babaylan Ida in real life is a real transvestite? putik, kaya pala ang lalim ng boses niya pag sinasabi niya yung "Time Space Warp.. ngayon din!" akala ko babaeng malalim lang ang boses haha. at tama ba ang narinig kong si Paolo Ballesteros daw ang gaganap ng papel niya sa bagong series? hehe parang sakto ah ;P
their portrayal somehow convinced me as a kid that they're almost supernatural beings. only to be brought back to reality that they indeed are humans after all. aren't we all? oh well..

ang hindi ko maalala, nagkatuluyan nga ba sina Alexis at Annie? kayo, natatandaan niyo pa ba?

para sa mga inglesero, o eto i-click niyo... http://en.wikipedia.org/wiki/Uchuu_Keiji_Shaider

all together now.. UM-ZHIGI-ZHIGI-WAKA-ZHIGI-UUUWAA! :D